Thursday, November 27, 2008

højlundevej



kung i-a-add ko ang lahat ng oras na ginugol ko sa paglalakad sa 720 days na tumira ako sa højlundevej, siguro aabot ito ng 150 days, 10 hours and 7 minutes. (boba ako sa math kaya either sumobra o kumulang ang pag add ko)

hindi naman ako ang tipong mahilig maglakad noon. maglalakad ka pa ba nyan na paglabas mo ng bahay eh, anytime pwede ka lang magpapara ng jeep or tricycle. pero sa højlundevej, kinailangan ko talagang maglakad ng 1km and a half para makapunta sa kapitbahay o sa bus stop ko.

naalala ko bigla yung first walk ko sa højlundevej...magwa- 1 month na ako non. gusto ko lang i try non kung makakahanap ako ng store na pwedeng bilhan ng coke at chips. ayun! habang naglalakad ako, ang dami-dami kong naisip, naalala at lahat-lahat na. at bigla na lang akong napaiyak ng sobra. kasi sa one month ko na inilagi don, hindi man lang ako nag offer ng kahit a moment of silence para ma-homesick kumbaga. non lang, habang sinusuroy ko ang makitid na daan.

...at doon na nagsimula ang napakarami kong "walk-to-remember". mapa snow man, yellow field o mapa wheat field, sa ilalim ng mainit na araw, kabilugan ng buwan at pabugsu-bugsong ulan, tuloy-tuloy lang ang paglalakad ko. maliban sa nakakagaan ng isip, nakakausap ko talaga ng masinsinan ang sarili ko habang naglalakad ako don. mahirap kasi minsan tiempuhan ang sarili ko. kailangan talagang mapag-isa ako para naman ma-discuss ang mga bagay-bagay, may kabuluhan man o wala. tsaka, pag bumisita ang mga kaibigan ko sa bahay, lahat na ng pwedeng pag-usapan eh, mako-cover na namin habang naglalakad. so pagdating sa bahay, kanya-kanyang world na kami. naging kaibigan ko na rin ang nag-iisang kahoy in the middle of the field. si "pareng kahoy" ko. masaya ako pag natatanaw ko na sya kasi ibig sabihin non, malapit na ang bahay. konting lakad na lang. love ko talaga si pareng kahoy...at ang mga grass! sa farewell walk ko, hindi ko talaga nakalimutan na magpasalamat sa kanila. sa walang sawang pakikinig sa aking mga storya sa buhay, at pa sway-sway pa sila minsan na para bang naiintindihan talaga nila ako. haaayyyy, miss ko na ang mga damo.

kelan kaya ulit ako makakapaglakad don? di na ako makapaghintay sa come-back walk ko.



ps. nagpapasalamat ako kay mr. bruce...naging tandem din kami sa pagsuroy sa højlundevej...at salamat sa nag-iisang taong nagpa hitch sa akin sa kaisa-isang pagkakataon sa 2 years ko sa højlundevej...

No comments: