hindi lang talaga sya mawala sa isip ko kaya feeling ko kailangan ko syang isulat...
"you're a good person", sabi ni kjersti nung tuesday night after naming kainin ang horrorific home-made pizza ko. nabigla ako, yes. at napatawa. ng malakas. pero when i looked at her, mukha syang seryoso. kaya naman natahimik ako at nagsabi ng seryoso ding "thank you".
wala pa, sa tanang buhay ko, wala pang kahit sino na naglakas loob na magsabi sa akin na mabuting tao ako. kaya bago sya sa akin. makatalinghaga. hindi kapani-paniwala. shocking!
taliwas kasi sya sa paniniwala ko sa sarili ko. buo ang aking paninindigan na ako ang pinakamasamang tao sa buong mundo. AT! kung meron mang nag-e-exist na tao na mas masama pa sa akin, hahanapin ko sya at papatayin para ako pa rin ang title holder ng pagiging masama. ganun!
hindi ko alam kung anong nasagi sa isip ni kjersti at nasabi nya yun? baka gusto lang nyang i-uplift ang ego ko dahil sobrang na-disappoint ako sa kinalabasan ng pizza ko?...or baka sobrang maikli pa yung 1 month para makilala nya kung sino at ano ang totoong ako. bwahahahaha! wait after 2 months!
kung ano man ang nakita ni kjersti sa akin, ewan! pero parang kasing convincing yung sinabi nya at ang pagkasabi niya. napi-pressure tuloy akong magpakabait. ano ba!
No comments:
Post a Comment