Saturday, February 5, 2011

sabado sa buwan ng pebrero

ginising na naman ako ni HG! bakit kaya every weekend ginigising ako no'n ng sobrang aga? kalurky! sabi ko naman, nang iistorbo sya eh ang dilim dilim pa sa labas. sabi naman nya, heller! maliwanag na kaya!

oo nga! nung imulat ko ang mga mata ko, maliwanag na nga! nag panic tuloy ako. akala ko late na naman ako sa usapan namin ni abigail. nung nitingnan ko yung time, 0830 pa lang. wow! maliwanag na. si mr. sun, pilit na iginigiit ang sarili sa hawi ng mga ulap.

hindi ko alam kung nag goodbye ba ako kay HG or hinayaan ko na lang yung phone ko at nakatulog ako ulit.

anyway...1155 na ako bumaba. di ko nga sinagot ang calls ng mga girls! i'll take my own time. miminsan lang ang sabado na ganito.

pagdating ko sa riccovero, nagulat naman ako at kompleto na sila. may HG na, may abigail at may jillian pa! wow! miminsan nga lang ang pangyayaring nako kompleto kaming apat. kaya naman nabulabog na naman ang Stryn sa ingay namin. and to quote jillian, "para kayong mga demonyo sa background ko!". aba! kaka miss kaya ang mga hirit ni little j. sumakit na naman tuloy ang ngala ngala ko sa kakatawa. pati nga sa cafè eh. di matigil tigil ang tawa namin sa mga maliliit at malalaking bagay bagay. iba talaga ang sense of humor ng mga babae ko! yung tipong maiiyak ka na dahil sa sobrang lungkot, pero nakakalusot pa rin ang mga hirit nila, at maiiyak ka na lang sa sobrang kakatawa. nung medyo na lowbat na kami at medyo tumahimik na, napansin namin na tumahimik din sa loob ng cafè. kaya lumabas na kami kasi over-staying na kami do'n. naman! pagpasok namin, medyo umuulan sa labas...ng kumakain na kami biglang nag snow at humangin ng sobra sobra...nung patapos na kami, umaraw na naman...nung palabas na kami, may araw at nagso snow. kung hindi pa kamo mga baliw, siguradong maloloka kami sa weather ngayong araw na 'to.

pagkatapos naming suriin at laitin ang mga halaman at bulaklak sa torg, nagsiuwian na ang mga baliw na babae. lalabas sila mamaya sa alex. ako naman, dito lang ako sa bahay. magbabasa ng libro at manonood ng movie. anti-social na naman ang drama ko....

No comments: