Tuesday, March 17, 2009

mader-maderan

7 days na akong nanay-nanayan. apat na tulog na lang at single na ulit ako!


buti na lang hindi mahirap kausap ang orc ko. kahit hindi kami nagkakaintindihan minsan, dahil nga hindi ko pa masyadong nai-embrace ang nynorsk, eh, nagagawan naman ng paraan. at sa pang pitong araw na ito, super cool pa rin ang aming samahan.


actually, masaya sya. ang maging nanay-nanayan. lalo na nung weekend. andon lang kami sa terrace, at in-enjoy ang first "t-shirt lang" day namin. at nung naglaro kami ng bowling, super feel ko talaga ang motherhood. syempre more ang cheer ko sa orc ko. kasi mas magaling pa syang mag bowling kesa sa akin. at kahit na mapakanal man ang bola, cheer pa rin ako sa kanya. give them a sense of pride di ba, sabi nung sa kanta. at nag improve na rin sya sa swimming. kaya na nyang mag slide na sya na lang mag isa. nung first nya na tinry yun, andun talaga ako sa end ng slide at naghihintay sa kanya. proud moment ko yun! grabe! di ko ma explain ang kaligayahan ko.


in a way, natuto naman akong maging responsible for another human being. kasi nga di ako sanay. may sariling mundo nga ako, di ba? at ako at ako lang ang iniisip ko. pero ngayon, okay naman pala sya. napapakain ko naman sya sa oras. nagigising on time para pumasok sa kindergarten, napapabihisan ko naman sya, may bedtime stories din naman kami...and mukha naman syang happy. so kahit papaano parang napi feel ko na successful naman ang pagiging nanay ko for 7 days.


sabi ng bestfriend ko, meron na daw akong mother's instinct. okay fine!

jan na lang muna ang mother's instinct na yan habang wala pa akong sperm donor.








No comments: