Tuesday, October 23, 2012
meteor garden
aminado ako na madali talaga akong mahumaling sa mga bulalakaw. alam ko na dapat 'pag tumingala ako sa langit, alam ko na dapat naka focus lang ako sa north star. kasi sya lang ang constant star in the sky. subalit miminsan eh, napapalingon pa rin ako sa mga bulalakaw. sino ba naman kasi ang hindi masisyahan pag may falling star? kasi nga, pwede ka pang mag wish don. pero kagaya ng pagkuha nila ng atensyon mo, mabilisan din silang mawawala sa paningin mo. minsan, grabe pa ang effect ng sight na yun. medyo katagalan bago mo makalimutan. ibang klase! pero ganu't ganun pa man, nagpapasalamat pa rin ako sa mga bulalakaw. sa panandaliang aliw na naidulot nila sa akin. at napa realize nila sa akin ang kahalagahan ng isang constant na bituin sa langit.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment