kalahating oras bago mag alas tres, nakipagsisiksikan na kami ni mabeth sa entrance ng oslo spektrum. hawak hawak ang aming tig 15 nok na pizza at ang inagaw lang naming disney scratch cards na para lang sana sa mga bata. hindi na magkarinigan ang mga pipol dahil sa umaapaw na sugar level ng mga bata at ng mga katulad naming mga batang isip. nag offer na nga lang kami ng a moment of silence habang inuubos ang pizza. at ng sa wakas ay bumukas na ang magical door, nataranta na ako sa sobrang excitement! sinalubong kami ng mga booths kung saan pwede kang bumili ng iba't-ibang disney souvenirs...sword ni mulan (at kulay yellow pa ha!), disney figures (na hindi ko carry ang presyo), t-shirts, mickey hats, lollipops, magic wand ni fairygodmother at kung anu-ano pang makatalinghagang bagay. nakidagdag din sa siksikan ang mga taga-tinda ng popcorn-in-a-bucket na inspired naman ni Alladin and Jasmine ang kanilang costume.
ng bumukas na ang 2nd magical door, dali dali na naming hinanap ang aming seats. kaiba ito, dahil nga late na kami nagpa book ng tickets, eh di 12 seats apart kami ni mabeth! isa kami sa mga hindi naman masyadong excited na nauna sa loob ng spektrum. kaya naman, may time pa kami para mag picture picture muna (kahit hindi allowed and camera! nakapuslit!), habang nagwi wish na sana eh, pwedeng pakiusapan ang mga rowmates namin na umusog usog na lang para naman magkatabi na kami ni mabeth.pero hindi eh! mukhang matapang kasi yung manong na may kasamang limang anak kaya napilitan na kaming maghiwalay na ng upuan ni mabetskie.
anyway, umpisahan na ang palabas. si tinkerbell ang unang lumabas sa ice rink. pa sway sway na siya habang nagpapasab-og (ay boba! hindi ko alam ang tagalog o english term ng word na yun!) ng kanyang glittery dust. at naloka si joanna marie! sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na lang tumulo ang aking luha at napahikbi ng konti ( kailangang i control ang emotion, kasi baka biglang tumawag ng red cross ang mamang matapang na katabi ko). imagine! si joanna marie aka amanda woods ay napaluha pagkakita kay tinkerbell na nagsi skate! nakakaloka! at hindi lang doon nag stop ang ka dramahan, sunod sunod na yun hanggang sa scene ni jasmine and alladin(sobrang na amuse ako kay genie of the lamp! ang galing nya! parang gusto kong tumakbo pababa sa ice rink at sumabit sa malalaking muscles nya!), snowhite and the evil stepmother (mas maganda talaga ata si stepmother kesa kay snowhite), mulan and her dragon (hindi ko ma remember ang name ng partner nya eh! ), aurora and her prince (natumba pa ang isang fairy), beauty and beast (naloka ako dito! syempre favorite ko si belle at beast) at ang pinakamakulay na little mermaid (na amaze ako sa mga fish costume nila! dagdagan pa ng nakikipaglaro na lights! buti di tumulo ang laway ko sa sobrang mangha).
nung lumabas ulit si tinkerbell, kasama na niya si mickey and minnie mouse. nakisali pa si pluto! at yun ay hudyat ng snack break, weewee break at kung ano pang break na maisip ng mga pipol doon. kami naman ni mabeth ay nagtagpo ulit. lumabas lang kami para makapag stretch naman. at ang feelingerang joanna marie, ay akalain mo ba namang pa glide glide na! feeling nagsi skate! sabay tawag kay beast, in a disney princess mode. at ito ay labis na ikinahiya ni mabeth kaya hinila na nya ako pabalik sa loob ng spektrum bago pa may dumating ulit na red cross, talian ako't itapon sa mental institution.
ayun. pagkatapos ng ilang sandali ay bumulangga na ang mga sundalo sa castle ni prince charming. kakaloka ulit umpisa sa pagma mop ni cinderella ng floor, hanggang sa pagbaba ni fairygodmother galing sa bubong, hanggang sa pag appear ni C sakay ng kanyang pumpkin coach. more pa ang interaction ng mga bruha nyang stepsisters with the audience, huh! at yun na nga, hanggang magtagpo sila ulit ni prince charming.
nakakaloka sa lahat eh nung magsilabasan na ang lahat ng princesses and princes in their wedding costumes. nalula ako! di ko tuloy alam kung kanino ako magfo focus! buti di ako nahilo sa kaka shift ng mata ko from one character to another. ang ganda ganda kasi ng mga kasuotan nila! syempre favorite ko ulit ang gown ni belle. yung gown nya nung nagsayaw sila ni beast sa song ni mrs. pots. maganda din ang chinese-inspired gown ni mulan. pramis! bongga din naman ang gown ni minnie mouse! ayaw patalo ng daga!
overwhelmed...overjoyed...over sa kaka emote ako nang mag show is over na. grabe! isa yong napakagandang alaala na babaunin ko paglabas ko sa real world. sa dalawang oras na yun ay natugunan na aking pagkasabik sa mga fairies at magic spells. kung pupwede nga lang na tumira sa fairylandia eh ako ang pinakaunang maglalakbay papunta don. kahit ba ako na ang tagasalo sa mop ni cinderella eh! basta dumating lang ang aking prince charming..........
stop!!!! tama na ang overactive imagination. itutulog ko na lang ito. mag a alas dose na....
No comments:
Post a Comment