Saturday, November 13, 2010

the end na ba?

naman, oo! ilang gabi na akong hindi nakakatulog ng maayos sa kakaisip kung the end na nga ba talaga?

masyado ba akong manhid? or ignorante sa mga bagay bagay? or talagang denial queen lang talaga palagi ang drama ko?

sabi nila, kung gusto ka ng isang tao, gagawa at gagawa sya ng paraan para makausap ka o makita ka. oo nga naman. nangyari naman yun noon. nakita at naramdaman ko naman ang effort. pero ngayon, parang kahit anong effort pa ang gawin ko, parang wala na talaga eh.

wow! ang sakit naman non! ang sakit talaga! at sino ba naman ako para ma spare sa sakit na end result ng pagmamahal? akala ko lang special ako na hindi ko na mararamdaman yung rejection and yung kirot na kaakibat ng super sarap ng feeling ng pagiging in-love.

sabi nila, minsan kailangan mo talagang masaktan, para mas magiging strong ka sa pagharap sa buhay.

naman! kailangan ba talaga yun? kailangan ko ba talagang pagdaanan to? kailangan ko ba talagang umiyak gabi gabi dahil yung taong mahal ko eh hindi na ako mahal? bakit? bakit kailangang masaktan ako ng ganito? Ang sakit sakit kaya! yung tipong, ayaw ko ng magising. yung parang gusto ko na lang matulog at magising isang araw na wala na yung sakit. kung kaya lang sanang makuha yung pain na to sa pag-inom ng paracet, eh di, tinungga ko na sana ang paracet with banana flavor na nakita ko dito sa cabinet ko.

sabi nila, balang araw, eh mas pagsisisihan mo yung mga bagay na hindi mo ginawa kesa don sa mga bagay na ginawa mo.

tama! hindi ko pinagsisisihan na minahal ko siya. kaya ko nga syang mahalin forever eh. kasi, naramdaman ko na siya na. na siya na ang aking "the one", my everything, my happily ever after. pero as usual, feelingera lang pala ako. kasi the feeling is not mutual. ako lang pala yung nagmamahal. dedma lang pala sya. ayan na naman! ang sakit na naman!

saan ako makakabili ng gamot para maalis na 'tong sakit na nararamdaman ko? saan? please ayoko ng masaktan. hindi ko na kaya.....ang sakit sakit...

ay, naalala ko na sinabi niya sa akin one time yung clichè na: time heals all wounds. ang saklap! wow!

No comments: