Wednesday, September 22, 2010

got to believe

sa movie ni claudine na "got to believe", yung number one sign na in-love sya eh, sinok! right! sinok! nung nag kiss sila accidentally ni rico, bigla syang suminok! at yun na! got to believe in magic na!

sa movie ko naman (wahahahaha!) ang number one sign na in-love ako eh, buntong-hininga! sigh! malalim na buntong-hininga at minsan may kasama pang "ahuhuhuhuhu" or minsan para kunwari hindi masyado halata, napapa ubo na lang daw ako.

hindi ko na maalala kung kelan ako nag umpisang mag "sigh". siguro a few days before ako pumunta ng Lillehammer. naging worse lang sya pagbalik ko galing sa Lillehammer at ngayon, mas worse pa sya! pati si Felix naloloka na sa akin. dati pag sinabi ko yung name ni Andrè, hindi sya nagre-react. after nun, nung na notice nya na every 10 minutes eh nimi-mention ko yung name ni Andrè, sinabi na ng orc sa akin "sana lang itigil mo ang kami mention ng Andrè". dumating pa nga sa point na pag nagbuntong-hininga ako, iko-cover na nya kaagad ang ears nya kasi alam na niya kung anong susunod na mangyayari at ayaw na nyang marinig nga ang name ni Andrè.

kanina habang nakikipag chat ako kay Andrè at si Felix naman ay busy sa kaka build ng kanyang lego plane, performance level ang pag sa sigh ko. nagtaka tuloy ang orc kung napano ako. na notice nya siguro na parang mawalan na ako ng hininga sa sobrang pag sigh ko...

eto ang mga pangyayari kanina:

jm: *super deep breath*
f: *worried look kay jm*
jm: *buntong-hininga ulit*
f: alam ko na kung anong sasabihin mo
jm: *tawa* + buntong-hininga
f: sige na, sabihin mo na joan
jm: *sigh + ahuhuhuhu*
f: sige na nga! sabihin mo na! you have my permission
jm: at bakit ano ba dapat ang sasabihin ko?
f: alam ko, sasabihin mo...Andrè
jm: *tawa* haaaayyyy Felix
f: sige na. sabihin mo na Andrè
jm: *buntong-hininga* Andrè


haaaayyyyyy...nakakaloka talaga! ewan ko ba! parang nag uumapaw lang talaga yung emotion sa kung saan mang part ng katawan ko na mairi release ko lang sya pag nag sigh ako. and it helps. but only for a while. at kailangan ko na namang mag sigh. katulad ngayon, kailangang kong mag buntong-hininga....over na talaga ito!!! in-love talaga si joanna marie! (sigh!)

No comments: