ayaw na ayaw ko talaga 'yung tipong hindi ako kinikibo ng isang tao. pero as usual, kahit na ano pang sama ng loob ko na hindi ako pinapansin, eh, sa akin na lang yun. kikimkimin ko na lang yung sakit na nararamdaman ko.
alam ko, insensitive ako minsan. or minsan, pinapakita ko na lang na insensitive ako. kasi, kung papansinin mo naman at i-a-analyze ang littlest details, eh for sure, maloloka ka. at tsaka, hindi naman ako yung tipong magna-nag or something. kung ayaw akong pansinin ng isang tao, well, masakit, pero...anong magagawa ko, eh ayaw nya akong pansinin eh. alam mo yun? eh di, tahimik na lang ako.
kaya naman, nagkaka-indigestion ako. hindi ko napapansin, ang dami ko na palang kinakain at hindi man lang ako umiinom ng tubig. mabuti na nga lang napigilan ko ang self ko na hindi mag coffee today. kung hindi, naku! baka naputulan ko na naman ulit ang buhok ko.
ang sakit kaya non, no? yung mahal na mahal mo yung tao, tapos parang lahat lahat na gusto mong sabihin sa kanya kasi nga nag-uumapaw ang love mo para sa kanya. tapos lumipas na ang isang oras, dalawa, hanggang sampu, wala man lang sagot kahit isang smiley! ouch! kinukurot naman ang heart ko non. at tsaka minamartilyo pa (tama ba yun?)....
syempre, nag-iba na talaga ang lahat pagkatapos ng ilang weeks na hindi kami nagkita. ewan ko. insensitive nga ako pero hindi naman ako oblivious para hindi ko mapansin yung mga pagbabago. hehehe. nakaka miss kaya yung mga mensahe sa yahoo. kahit yung mga text. at tsaka yung usapan din sa ym. ngayon kasi, hanggang hi-hello-goodnight na lang.
ano ito?
palangga ko gid sa ya! as in, promise! to the highest level! kaya nga masakit kasi mahal ko sya eh.....
No comments:
Post a Comment