Friday, February 27, 2009

paano ba ang mag isa? (naks!)


masaya ako kasi after 3 months ngayon lang ulit ata ako nagkaroon ng time para sa self ko. ang saya! tahimik at walang istorbo. di ko na kailangang i torture ang diwa ko every morning pag pinupukaw ako ng alarm. kakain ng breakfast ng ala una sa hapon. manonod ng movie(s) pagkagising na pagkagising. maglumpasay man ako sa kakaiyak o magkanda-hiyaw sa tuwa, walang sinumang maiistorbo. recess mode din ako sa kaka research ng mga new recipes. mag stay sa banyo ng halos dalawang oras. mag experiment sa kitchen. magbasa kahit anong oras ko gusto at abutin man ng magdamag sa kaka wander sa kung anumang lugar na maaabot ng overactive imagination ko.

ibang klase talaga ang buhay pag mag isa ka lang......







No comments: