Tuesday, October 22, 2013

si donats ay muntik ng ma dunot



ang babaeng ito ay na ratsada at na tv patrol pagkatapos ma aksidente sa sinasakyang motorsiklo bandang alas diyes ng gabi noong huwebes sa barangay mansaya, bo. obrero.

siya ay nagtamo ng malaking sugat sa kaliwang tuhod, gasgas sa binti, dibdib, kamay at mukha at ilang stiches sa kanyang chin.

hindi ako lumabas sa aking cube buong araw noong lunes dahil ayoko siyang makita dahil ayoko talagang makakita ng mga sugat sugat na yan. pero si donats ay lubhang makulit at ilang beses pang pumasok sa cube ko, na actually, kadalasan naman niyang ginagawa. pero hindi talaga ako tumingin sa kanya. sinasagot ko lang ang mga tanong nya, pero naka focus lang ako sa computer screen ko. nung mapansin nyang iniiwasan ko talaga sya, pinilit nya akong tingnan sya kasi hindi naman daw sya nakakatakot. nainis na talaga ako!!!

kahapon pagdating ko sa office, hindi na ako nakaiwas pa kasi nakasalubong ko talaga sya. tumambad sa harapan ko ang isang donats na puno ng bandage at sugat. nabigla ako pero wala ng panahon para magtakip ng mukha o tumakbo. kaya tiningnan ko na lang sya at pilit kinunan ng litrato. para naman may souvenir sya sa aksidente nya. pero sya naman 'tong nagtago. 

nagbabalak pa naman syang turuan akong mag motorsiklo. pero sa nangyari sa kanya, sige, 'wag na lang muna. 

si donats ay hindi pa rin nagbago pagkatapos iuntog ang katawan sa kalsada noong huwebes. sobra pa rin syang makulit at masayahin na kung hindi mo lang makita ang mga sugat nya sa katawan, eh, parang wala lang nangyari sa kanya.

No comments: