Monday, November 30, 2009

buena mano

first snowfall of the season.

syempre, hindi ako pahuhuli sa mga blooperous acts ko.

bonggang bongga ang pagsalpak ko sa semento habang pauwi na kami ng orc ko. ewan ko ba! akala ko di madulas. pero ayun na nga! sumemplang na ako and all! and take note, sa kalagitnaan pa ng pedestrian lane! kaloka! wala man lang konting discretion. center stage talaga palagi ang mga bloopers ko!

nag sorry pa sa akin ang orc ko. sabi ko sa kanya, "di mo kasalanan yun. madulas lang yung daan". wala pa ngang 1 meter yung lakad namin, sya na naman yung sumemplang! hayyy!!!

kaya very careful na ang aming paglakad. sabay enjoy na rin sa falling snow. yun nga lang, muntik muntikan na kaming abutin ng 25 years bago makarating ng bahay.

tsk! tsk! tsk!

No comments: