Saturday, December 25, 2010

nalilito at nahihilo

kanina pa ako lakad ng lakad. kahit minus 23 degrees sa labas, sige lang. kasi ni confuse ko na naman ang sarili ko. kasi naman eh! ang kulit ko kasi. at tsaka, alam mo na...pag uminom ka ng aquakvit na 45.1% alcohol, dinagdagan pa ng sparkling wine at red wine, eh, ewan ko lang kung hindi ka maging makulit kagaya ko.

kaya naman, nakagawa na naman ako ng bagay ng sana hindi ko na lang ginawa. isang text message lang yun ha! pero na confuse na tuloy ako. wala na sana eh...okay na ako. nalagpasan ko na ang mourning and denial stages. nasa recovery stage na sana ako. ngayon, bumalik na naman ako sa "hoping" stage. ang tanga tanga ko talaga! gusto kong sakalin ang self ko.

sana nung ni open ni pandora ang box, lumipad na din ang hope na yan. kasi hindi sya helpful sa akin eh. nakakairita kayang umasa. ayoko namang umasa! kaya lang, hindi ko mapigilan minsan eh. nakakainis!

kaya maglalakad na lang ako. manigas man ang mga daliri ko sa kamay at paa. manigas man ang mukha ko. sana manigas na rin ang utak ko. at ang heart ko. para wala na akong maramdaman at tumigil na ang utak ko sa kakaisip ng kung anu-ano.

No comments: